Sa nayong Hongqi na tinaguriang "unang nayon ng etnikong Koreano ng Tsina" na matatagpuan sa Yanbian Korean Autonomous Prefecture, probinsyang Jilin, ang industriyang panturismo ay pangunahing industriyang sumusuporta sa kabuhayan ng buong nayon.
Dito, maaaring maramdam ng mga turistang Tsino at dayuhan ang tanging katutubong kultura ng etnikong Koreano. Ang pinaka-interesadong bagay ay ang tradisyonal na kasal ng etnikong grupong ito. Kabilang dito ay ang tinatawag na "throwing water ladle." Sa tradisyonal na kasal ng etnikong Koreano, mayroong isang water ladle kung saan inilalagay ang mga bagay na tulad ng red date, at five grain rice. Ayon sa kaugaliang ito, sa pamamagitan ng paghagis ng water ladle, maaaring malaman kung lalaki o babae ang isisilang na sanggol ng bagong kasal.
Makaraang maaprobahan ng Konseho ng Estado ng Tsina noong Hunyo 7, 2008, nailakip ang tradisyonal na kasal ng etnikong Koreano sa ikalawang batch ng List of National Non-material Cultural Heritage.
Salin: Li Feng