Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PetroChina International Companies sa Indonesia, ipinatutupad ang diwa ng kooperasyon ng BRI

(GMT+08:00) 2019-04-16 16:23:43       CRI
Sa panayam kamakailan, sinabi ni Gong Bencai, Presidente ng PetroChina International Companies sa Indonesia, na aktibong ipinatutupad ng kanyang kompanya ang diwa ng kooperasyon na itinataguyod ng Belt and Road Initiative (BRI).

Isinalaysay ni Gong, na ang PetroChina International Companies sa Indonesia ay naitatag noong 2002, at nitong 17 taong nakalipas, ang kompanya ay nagdulot ng 5.2 bilyong Dolyares na pamumuhunan sa lokalidad at nagbayad ng 3 bilyong Dolyares na buwis sa pamahalaan ng Indonesya.

Sinabi ni Gong, na pagkaraang ilabas noong 2013 ng Tsina ang BRI, kinakaharap ng kanyang kompanya ang mas malaking pagkakataong pangkaunlaran sa Indonesya. Aniya, sa kasalukuyan, ang taunang kita ng kompanya ay nananatiling 500 milyong Dolyares pataas, at ang taunang tubo ay mahigit 200 milyong Dolyares. Ayon pa rin kay Gong, madalas din siyang inaanyayahan para ibahagi sa mga lokal na kompanya, mga kompanyang Tsino, at mga kompanya ng ibang bansa sa Indonesya, ang ideya at karanasan sa pagpapasulong ng pandaigdig na kooperasyon sa ilalim ng BRI.

Dagdag ni Gong, ang pagsasabalikat ng mga responsibilidad na panlipunan ay bahagi rin ng diwa ng kooperasyon ng BRI. Sinabi niyang, inilalaan taun-taon ng kanyang kompanya ang 2 milyong Dolyares na budget para sa mga gawaing pangkawanggawa sa Indonesya at aktibo ring lumalahok sa gawaing panaklolo tuwing may nagaganap na likas na kalamidad. Nitong 2 taong nakalipas, ginawaran ng pamahalaan ng Indonesya ng sertipiko bilang "bahay-kalakal na mapagkaibigan sa kapaligiran" ang kompanya, ani Gong.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>