|
||||||||
|
||
Idinaos sa New York nitong Lunes, Abril 15, 2019, ang Porum ng Pangingilak ng Pondo at Pag-unlad ng United Nations (UN) Economic and Social Council sa 2019. Nanawagan ang mga kalahok na opisyal at dalubhasa na pabilisin ang reporma sa multilateral na sistemang pangkalakalan para harapin ang mga hamong kinakaharap ng kabuhayang pandagdig.
Sa porum, inihayag ni Liu Zhenmin, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN na Namamahala sa mga Suliraning Pangkabuhayan at Panlipunan, ang ulat ng organo ng pangingilak ng pondo sa taong 2019. Ayon dito, noong isang taon, lumala ang kalagayan ng kalakalang pandaigdig, at kinaharap ng World Trade Organization (WTO) at mekanismo ng paglutas sa mga hidwaan ang mga hamon. Ang mga ito anito ay nakakapagbigay ng malaking panganib sa kabuhayang pandaigdig. Sa harap ng mga hamong ito, dapat hanapin ng komunidad ng daigdig ang kalutasan sa loob ng balangkas ng multilateral na kalakalan, dagdag ng ulat.
Ipinagdiinan naman ni María Fernanda Espinosa, Presidente ng Ika-73 Pangkalahatang Asemblea ng UN, na dapat patibayin ang sistema ng multilateral na kalakalan. Dapat din aniyang ipauna ang pagsasaalang-alang ng mga umuunlad na bansa sa mga aspektong gaya ng konstruksyon ng kapasidad at paglilipat ng teknolohiya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |