Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: walang saysay na pananalita ni Pompeo, hindi maglalayo sa Latin-Amerika

(GMT+08:00) 2019-04-17 15:36:32       CRI

Nitong Huwebes, Abril 11, 2019, sinimulan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estado Unidos, ang kanyang pagdalaw sa Chile, Paraguay, Peru at Columbia. Layon nitong makipagkoordina sa paninindigan ng nasabing mga bansa hinggil sa isyu ng Venezuela, at hanapin ang pagsuporta nila sa Amerika na kinabibilangan ng pagpapataw ng mas maraming sangsyon sa Venezuela.

Pero medyo lumayo ang pokus ni Pompeo. Sa kanyang talumpati pagkaraang dumating ng Chile, binatikos niya ang pamumuhunan ng Tsina sa Venezuela. Aniya, ang kilos ng Tsina ay tumutulong sa pagpabagsak ng Venezuela. Nagbabala siya sa mga bansang Latin-Amerikano na kung pahihintulutan ang pagpasok ng Tsina at Rusya sa kanilang bakuran, lilikha sila ng kaguluhan.

Di-bago ang ganitong pananalita ni Pompeo. May katulad na pananalita ang kanyang sinundan na si Rex Tillerson na nagsasabing "ginagamit ng Tsina ang impluwensiyang pangkabuhayan nito para manghikayat ng mga bansa sa Latin-Amerika, at posibleng may kabayaran ang iba't ibang bansang Latin-Amerikano kung ipagpapatuloy ang tunguhing ito." Ang nasabing mga pananalita ay nagpapakita ng pagkabahala ng Amerika sa pagbaba ng impluwensiya nito sa Latin-Amerika, at walang-kasiyahan sa pagpapalalim ng Tsina at Latin-Amerika ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

Malakas ang pagkokomplemento sa isa't isa ng Tsina at mga bansang Latin-Amerikano at Caribbean sa proseso ng sarili nilang pag-unlad. Kaya, sa paghanap ng landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng sariling bansa, nauunawaan at kinakatigan nila ang isa't isa, walang humpay na lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal, at lumalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

Sa kasalukuyan, lampas sa 300 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Latin-Amerika. Ang Tsina ay nagsilbing pinakamalaking trade partner ng Chile, Peru, Brazil at ibang bansang Latin-Amerikano. Noong unang kuwarter ng taong ito, umabot sa 7% ang proporsyon ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa Latin-Amerika, at ito ay tumaas ng 0.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Nagiging bagong plataporma ng mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ng Tsina at Latin-Amerika ang Belt and Road Cooperation.

Sa kasalukuyan, pinapasulong ng Tsina ang bagong round ng reporma at pagbubukas, at ito ay pagkakataong karapat-dapat na samantalahin ng Latin-Amerika. Sa ilalim ng ganitong tunguhin ng pag-unlad, ang ilang pananalita o babala na may kaisipan ng cold war ay posibleng lumikha ng pansamantalang paksa para sa opinyong publiko, pero, hinding hindi hahadlangan nito ang hakbang ng Tsina at Latin-Amerika sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>