Binuksan ngayong araw, Martes, ika-23 ng Abril 2019, sa Beijing ang unang pulong ng board of directors ng Belt and Road News Alliance (BRNA).
Sa kanyang mensaheng pambati sa pulong, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapahalaga sa papel ng media para sa pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI). Sinabi niyang, ipinagkakaloob ng BRNA sa mga media ng iba't ibang bansa ang maginhawang plataporma ng pagpapalitan at pagtutulungan. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng mga media ang platapormang ito, para magkakasamang palaganapin ang mga ideya ng BRI, at ipabatid ang mga natamong bunga sa ilalim ng inisyatiba, bilang pagpapasulong ng kooperasyon ng BRI.