Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

290 patay sa pambobomba sa Sri Lanka; teroristikong atake, kinondena ng UN

(GMT+08:00) 2019-04-23 15:02:41       CRI

Ayon sa pinakahuling datos mula sa kapulisan ng Sri Lanka, umabot na sa 290 ang bilang ng mga namatay sa serye ng pagsabog sa Sri Lanka na naganap nitong nagdaang Linggo, Abril 21, at lumampas sa 500 ang bilang ng sugatan. Buong-tinding kinondena ang teroristikong atake nina Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) at María Fernanda Espinosa Garcés, Presidente ng Ika-73 Pangkalahatang Asemblea ng UN. Ipinahayag din ng mga opisyal ng UN ang pagsuporta at pakikiisa sa mga mamamayan at pamahalaan ng Sri Lanka.

Ipinatalastas nitong Lunes ng pamahalaan ng Sri Lanka ang "state of emergency", at itinakda ang Martes, Abril 23 bilang Pambansang Araw ng Pagluluksa. Dalawampu't apat (24) na suspek ang nahuli ng kapulisan at kasalukuyang iniimbestigahan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>