Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-26 ng Abril 2019, sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na layon ng Belt and Road Initiative (BRI) na isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan, win-win result, at komong kaunlaran.
Sinabi rin ni Xi, na sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang panig, natupad ang iba't ibang bunga ng unang BRF, at nilagdaan ng Tsina at mahigit 150 bansa't organisasyong pandaigdig ang kasunduang pangkooperasyon sa pagpapasulong ng BRI. Dagdag niya, ang pakikipag-ugnay ng BRI sa mga planong pangkaunlaran at pangkooperasyon ng mga organisasyong panrehiyon at pandagidig, at sa mga estratehiyang pangkaunlaran ng iba't ibang bansa ay nagbibigay ng bagong espasyo para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, nagkakaloob ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng iba't ibang bansa, at nagbubukas ng bagong kalagayan para sa pag-unlad at pagbubukas sa labas ng Tsina.
Salin: Liu Kai