|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-26 ng Abril 2019, sa Beijing, ang seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na layon ng Belt and Road Initiative (BRI) na isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan, win-win result, at komong kaunlaran. Ang kooperasyon ng BRI aniya ay nagbibigay ng bagong espasyo para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, nagkakaloob ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng iba't ibang bansa, at nagbubukas ng bagong kalagayan para sa pag-unlad at pagbubukas sa labas ng Tsina.
Binigyang-diin ni Xi, na ang pagtatatag ng pandaigdigang partnership ng interkonektibidad ay pinakamahalagang bahagi ng BRI. Ipinahayag niyang patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, para itatag ang network ng konektibidad na may mga elementong gaya ng economic corridor, mga daang pangkomunikasyon sa lupa, dagat, at cyberspace, at mga imprastruktura.
Ipinatalastas din ni Xi ang mga bagong hakbangin ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina sa limang aspekto. Ang mga ito ay: pag-iibayuhin ang pagbubukas sa puhunang dayuhan, ibayo pang pasusulungin ang pandaigdig na kooperasyon sa pangangalaga sa IPR, aangkatin ang mas maraming paninda at serbisyo, pahihigpitin ang pakikipagkoorida sa mga patakaran ng macro-economy, at buong taimtim na ipapatupad ang mga patakaran ng pagbubukas sa labas.
Kalahok sa tatlong araw na porum ang aabot sa 5,000 panauhin mula sa iba't ibang bansa at organisasyong pandaigdig. Kabilang dito ay delegasyong Pilipino na pinangungunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |