Sa pagtitipun-tipong ginanap ngayong araw, Martes, ika-30 ng Abril 2019, sa Beijing, bilang paggunita sa ika-100 anibersaryo ng May Fourth Movement, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Tsina ay dapat maging bansang malakas hindi lamang sa materyal, kundi rin sa ispiritual. Para maisakatuparan ang target na ito, dapat aniya hubugin ng mga mamamayang Tsino, lalung-lalo na ng mga kabataan, ang mabuting moralidad.
Nanawagan din si Xi sa mga kabataan na ipatupad ang mga core socialist values, at itakwil ang mga maling ideyang gaya ng labis na pagmamahal sa kayamanan, hedonismo, labis na indibiduwalismo, at historical nihilism.
Salin: Liu Kai