Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Switzerland, magkasamang itatayo ang "Belt and Road"

(GMT+08:00) 2019-04-30 15:16:48       CRI

Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipag-usap nitong Lunes, Abril 29, 2019 kay Ueli Maurer, Presidente ng Swiss Confederation, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng Switzerland para mapalalim ang estratehikong kooperasyon at magkasamang maitayo ang "Belt and Road."

Ang Switzerland ay unang kontinental na bansang Europeo na nakipaglagda ng kasunduan ng malayang kalakalan sa Tsina. Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na dapat igiit ng dalawang panig ang diwa ng mutuwal na paggagalangan at pagtitiwalaan sa isa't-isa. Dapat din aniyang palakasin ng dalawang bansa ang diyalogo at pagpapalitan sa iba't-ibang lebel at larangan.

Ipinahayag naman ni Maurer na ang "Belt and Road" Initiative ay isang dakila at mapayapang mungkahi. Ito aniya ay puwersang nakakapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Kinakatigan aniya ng Switzerland ang nasabing inisyatiba.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>