Hiniling ngayong araw, Abril 30 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't ibang departamento ng pamahalaan at iba't ibang sektor ng lipunan na harapin ang mga kabataan at pakinggan ang kanilang palagay at mungkahi hinggil sa pangangasiwa at pag-unlad ng bansa.
Ito ang winika ni Xi sa maringal na seremonya bilang paggunita sa ika-100 anibersaryo ng pagkakaganap ng May Fourth Movement ng Tsina.
Hinimok din ni Xi ang iba't ibang panig ng bansa na maging matalik na kaibigan ng mga kabataan at tulungan silang lutasin ang mga isyu kaugnay ng hanap-buhay, kasal, pagsisimula ng negosyo, pakikisalamuha sa lipunan, pag-aalaga sa mga magulang, edukasyon para sa mga anak. Hiniling din ni Xi sa lipunan na gabayin ang mga kabataan sa pagkakaroon ng tumpak na pag-alam hinggil sa daigdig at pambansang kalagayan. Kailangan din aniyang hikayatin ang mga kabataan na magtrabaho at magsanay sa mahihirap na lugar at maraming hamong pinagtatrabahuhan para tagumpayan ang mga pagsubok. Hiniling din niya sa iba't ibang sektor na hayaan ang mga kabataan na ipakita ang kanilang talento at lutasin ang mga problema sa mahahalagang puwesto at larangan.
Salin: Jade
Pulido: Mac