Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Mga kabataang Tsino, hiniling na pahalagahan ang bayan at sangkatauhan

(GMT+08:00) 2019-04-30 16:50:59       CRI

Sa bisperas ng ika-100 anibersaryo ng May Fourth Movement ng Tsina, bilang paggunita sa makasaysayang pangyayari, isang maringal na pagtitipun-tipon ang idinaos ngayong araw, Abril 30, sa Great Hall of the People sa Beijing. Bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Hiniling ni Xi sa mga kabataang Tsino na laging ipasailalim sa kaibuturan ng kanilang puso ang kapakanan ng mga kababayan at tadhana ng inang-bayan, at kasabay nito, kailangan din nilang itanim sa isipan ang interes ng sangkatauhan. Para rito, kailangan silang magpunyagi para sa pag-ahon ng nasyong Tsino at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI).

Noong Mayo 4, 1919, sa pangunguna ng mga kabataang Tsino, ginanap ang pambansang kilusang makabayan na tinatawag na May Fourth Movement. Sa palagay ni Xi, ang nasabing kilusan ay sumagisag sa bagong simula ng pag-ahon ng nasyong Tsino. "Sa pamamagitan ng May Fourth Movement, natuklasan ng mga kabataang Tsino ang sariling lakas at bunga nito, natuklasan din ng mga mamamayang Tsino at nasyong Tsino ang lakas ng loob," diin ni Xi. Dagdag pa ni Xi, pinatunayan ng kasaysayan ng Tsina na ang mga kabataang Tsino ay laging nangunguna sa pag-ahon ng nasyong Tsino.

Sa bagong panahon ng pag-ahon ng nasyong Tsino, hiniling ni Xi sa mga kabataang Tsino na pasanin ang bagong tungkulin at magbigay ng bagong ambag, batay sa diwa ng May Fourth Movement.

Sa katotohanan, ang pagpupunyagi at pagpupursige ay dakilang tradisyong minana ng hene-henerasyong kabataang Tsino. Sa kasalukuyan, saan man lugar, at sa saan mang sektor, ang lahat ng mga kabataang Tsino na gaya ng mga delivery man, guro sa kanayunan, karaniwang manggagawa, mga alagad ng agham sa kalawakan, at iba pa ay "lumilikha ng kamangha-manghang himala, gamit ang pawis at kabataan."

Hiniling din ng pangulong Tsino sa buong lipunan na pahalagahan, pagmalasakitan at gabayin ang mga kabataan. Saad niya, "Ang pagtatatag ng malakas na bansang sosyalista at pagsasakatuparan ng maringal na pag-ahon ng nasyong Tsino ay isang relay race. Nananalig kaming sa pagsisikap ng aming henerasyon, magtatamo kami ng katanggap-tanggap na resulta sa karera. Inaasahan din namin na ang kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan ay magkakamit ng mas kahanga-hangang tagumpay."

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>