Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Laos, lumagda sa plano ng aksyon para sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan

(GMT+08:00) 2019-05-01 14:49:36       CRI

Nag-usap kahapon, Martes, ika-30 ng Abril 2019, sa Beijing, sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa; at Bounnhang Vorachit, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) at Pangulo ng Laos.

Nilagdaan din ng dalawang lider ang plano ng aksyon ng CPC at LPRP para sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos, bilang dokumento ng pagpapasulong sa pagtatatag ng komunidad na ito, at pagbubukas ng bagong panahon ng relasyong Sino-Lao.

Sa pag-uusap, sinabi ni Xi, na dapat panatilihin ng Tsina at Laos ang mahigpit na pagpapalagayan sa mataas na antas, at palalimin ang pragmatikong kooperasyon, bilang ambag para sa kapayapaan, katatagan, at komong kaunlaran sa rehiyong ito.

Ipinahayag naman ni Bounnhang ang kahandaan ng Laos, na pabilisin kasama ng Tsina, ang pagsasagawa ng mga proyektong pangkooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at palalimin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>