Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Talumpati ni Xi Jinping sa mga kabataan, nagresulta sa mainit na reaksyon ng mga estudyante

(GMT+08:00) 2019-05-02 15:42:41       CRI
Ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagtitipun-tipong ginanap nitong Martes, ika-30 ng Abril 2019, sa Beijing, bilang paggunita sa ika-100 anibersaryo ng May Fourth Movement, ay nagresulta sa mainit na reaksyon ng mga estudyanteng Tsinong nag-aaral sa ibayong dagat.

Sinabi ng mga estudyante na nakapagpapasigla ang naturang talumpati. Anila, aktibong tutugunin ang mga kahilingang iniharap ni Pangulong Xi, sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, para isabalikat ang mga responsibilidad sa bagong panahon at magbigay ng ambag para sa pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.

Naganap noong ika-4 ng Mayo 1919, sa Beijing ang May Fourth Movement. Ito ay isang makabayang kilusan laban sa imperyalismo at piyudalismo, na sinimulan ng mga batang estudyante at nilahukan ng mga karaniwang mamamayan mula sa gitna at mababang antas ng lipunan. Pagkaraang itatag ang Republikang Bayan ng Tsina noong 1949, ang ika-4 ng Mayo ay itinakda bilang Araw ng mga Kabataan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>