Ipinahayag ni Ban Ki-moon, dating pangkalahatang kalihim ng United Nations (UN) na maraming karanasan ang Tsina laban sa smog na gaya ng pagpapasara ng mga pabrika na matindi ang polusyon at pagpapabasura ng mga sasakyang-de-motor na hindi nakakatugon sa pamantayan ng emisyon. Mapupulot aniya ng pamahalaan ng Timog Korea ang mga karanasan ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa polusyon.
Ito ang ipinahayag ni Ban sa Ika-3 Pagsasanay na Pang-edukasyon ng mga Kilalang Personahe ng Tsina't Timog Korea, nitong Huwebes, Mayo 2.
Noong Abril 29, 2019, binuo ng pamahalaan ng Timog Korea ang Pambansang Komite laban sa Polusyon ng Fine Dust. Nanunungkulan bilang tagapangulo ng nasabing komite si Ban.
Salin: Jade