Ipinahayag nitong Huwebes, Mayo 2 ni Franck Riester, Ministro ng Kultura ng Pransya na makaraang masunog ang makasaysayang Notre Dame Cathedral, paiiralin ng bansa ang mga hakbangin para protektahan ang mga pambansang pamana.
Hiniling na aniya niya sa mga may kinalamang panig ng bansa para isagawa ang pagsusuring panseguridad sa 87 pambansang simbahan, mga relikyang kultural, at museo.
Noong Abril 15, nasunog ang Notre Dame Cathedral. Bunsod ng napakalakas na sunog, bumagsak ang taluktok ng 850 taong simbahan.
Salin: Jade