Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Sektor pinansyal ng Tsina, ibayo pang magbubukas

(GMT+08:00) 2019-05-03 16:14:33       CRI

Ipinatalastas nitong Miyerkules, Mayo 1, ng Tsina na 12 bagong hakbang ang ilalabas na ng bansa para ibayo pang magbukas sa labas ang pagbabangko at seguro.

Ito ang mga panibagong hakbang makaraang pairalin ng Tsina ang 15 hakbang ng pagbubukas ng pagbabangko at seguro ng bansa noong Abril, 2018. Tatlong tampok ang nakikita sa 12 bagong hakbang.

Una, kapuwa magtatamasa ang mga kompanyang Tsino at dayuhan ng mga benepisyong idudulot ng mga bagong hakbang. Halimbawa, kakanselahin ang upper shareholding limit ng isang single Chinese-funded bank at isang single foreign-funded bank sa isang bangkong komersyal ng Tsina. Tatalima ito sa bagong labas na Batas sa Puhunang Dayuhan at lilikha ng pantay na kapaligirang pangnegosyo para sa mga institusyong pinansyal na Tsino at dayuhan.

Ikalawa, kakanselahin ang ilang kahilingan sa pagpasok sa pamilihang Tsino ng mga institusyong pinansyal. Ayon sa pahayag ng Banking and Insurance Regulatory Commission (BIRC) ng Tsina, kabilang sa nasabing mga bagong hakbangin ay kanselasyon sa pag-apruba sa pagsasagawa ng negosyo sa renminbi ng mga bangkong dayuhan, pag-aalis ng kahilingang pang-ari-arian sa mga bangkong dayuhan sa kanilang pagbubukas ng legal person banks, kanselasyon sa kahilingan sa kabuuang halaga ng ari-arian ng mga dayuhang insurance brokerage company, at iba pa.

Ikatlo, palalawakin ang negosyo sa Tsina ng mga dayuhang institusyong pinansyal. Halimbawa, ang mga dayuhang bangko ay pahihintulutang magsagawa ng serbisyong pang-reminbi sa panahong magsimula sila ng negosyo sa Tsina.

Ang 12 paiiraling bagong hakbang ay bilang pagtupad sa pangako ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagsasagawa ng limang patakaran at hakbang ng ibayo pang pagbubukas ng bansa sa katatapos na Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF). Masasabing yugtu-yugtong ipinapatupad at ipapatupad ng Tsina ang pangako nito sa ibayo pang pagbubukas, ayon sa nakatakdang iskedyul.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>