Naganap kahapon, Sabado, ika-4 ng Mayo 2019, ang palitan ng putok sa pagitan ng Israel at Palestina. Ayon sa ulat, isinagawa ng mga eroplano at tangke ng tropang Israeli ang atake sa halos 120 pasilidad na militar ng Islamic Resistance Movement (Hamas) at Islamic Jihad sa Gaza Strip. Bumagsak naman sa loob ng Israel ang mahigit 200 rocket na inilunsad mula sa Gaza Strip.
Ayon pa sa ulat, 4 na Palestino ang patay at 30 iba pa ang sugatan sa nasabing engkuwentro. Sa panig naman ng Israel, 2 sibilyan ang nasugatan.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Nickolay Mladenov, United Nations Special Coordinator for the Middle East Peace Process, ang lubos na pagkabahala sa paglala ng tensyon sa Gaza Strip.
Salin: Liu Kai