|
||||||||
|
||
Sa panukalang batas ng reporma sa konstitusyon na pinagtibay nitong Sabado, Mayo 4, 2019, ng Pambansang Asemblea ng Senegal, ipinasiya nitong pangmatagalang kanselahin ang posisyon ng Punong Ministro.
Sinabi ng isang opisyal ng Senegal na halos 330 miylong dolyares na badyet ang matitipid ng bansa sa loob ng darating na apat na taon dahil sa pagkansela sa nasabing posisyon.
Kaugnay nito, noong Abril 7, 2019, habang itinatatag ang bagong pamahalaan ng Senegal, ipinatalastas ni Mahammed Boun Abdallah Dionne, kasalukuyang Punong Ministro ng nasabing bansa, na pangmatagalang kakanselahin ang posisyong ito. Siya ang ika-13 at huling punong ministro ng Senegal sapul nang magsarili ito noong 1960.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |