Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Tsina, isang masiglang bansa

(GMT+08:00) 2019-05-05 16:28:20       CRI

Sa katatapos na International Labor Day, pinahaba ng pamahalaang Tsino sa apat na araw ang bakasyon mula tatlong araw. Ito ang unang pagpapahaba ng nasabing bakasyon nitong sampung (10) taong nakalipas. Sa bakasyong ito, nakita ang masiglang mithiin ng konsumo ng mga mamamayang Tsino.

Ayon sa datos na isinapubliko ng Ministri ng Kultura at Ministri ng Turismo ng Tsina, nitong apat na araw na nakalipas, umabot sa 195 milyong person-time ang mga turista sa iba't-ibang lugar na panturista ng Tsina. Umabot naman sa mahigit 117.6 bilyong Yuan ang consumption expense. Ang nasabing dalawang datos ay magkahiwalay na lumaki ng 13.7% at 16.1% kumpara sa panahon ng International Labor Day ng nagdaang taon.

Sa nasabing bakasyon, lumitaw din ang malaking kakayahan ng konsumo ng mga mamamayang Tsino. Ito ay sanhi ng matatag na paglaki ng pambansang kabuhayan, at patuloy na dumaraming mga positibong elemento sa kabuhayan. Nakapagbigay ang mga ito ng matatag na pundasyon para sa konsumo ng mga mamamayan. Noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, lumaki ng 6.4% ang kabuhayang Tsino kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Sa unang China International Import Expo (CIIE) noong isang taon, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na itutugma ng Tsina ang tunguhin ng pagtaas ng konsumo sa loob ng bansa, at magsasagawa ng mas positibong hakbangin para mapadami ang kita ng mga residente, mapalakas ang kanilang kakayahan ng konsumo, at mapalawak ang espasyo ng pag-aangkat.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>