Binuksan ngayong araw, Lunes, ika-6 ng Mayo 2019 sa Fuzhou, lunsod sa timog silangang Tsina, ang Ika-2 Digital China Summit.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Huang Kunming, Puno ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na batay sa ideya ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, hinggil sa pagtatatag ng Tsinang may maunlad na teknolohiya ng cyberspace, dapat pasulungin ang konstruksyon ng digital at wisdom society. Dapat din aniyang lubos na patingkarin ang papel ng information industry, para magbigay ng bagong lakas na tagapagpasulong sa pagsasakatuparan ng pag-unlad sa mataas na antas.
Itinatanghal sa nabanggit na summit ang mga bagong produkto ng digital technology at natamong bunga sa digital economy ng Tsina. Ilalabas din ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran ng pagpapaunlad ng information industry.
Salin: Liu Kai