Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, hindi lalahok sa talastasan hinggil sa anumang trilateral na kasunduan sa disarmamentong nuklear

(GMT+08:00) 2019-05-07 10:17:28       CRI
Sinabi kahapon, Lunes, ika-6 ng Mayo 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi lalahok ang Tsina sa talastasan hinggil sa anumang trilateral na kasunduan sa disarmamentong nuklear.

Kamakailan, iniharap ng Amerika ang posibilidad na talakayin at marating, kasama ng Rusya at Tsina, ang trilateral na kasunduan sa pagkontrol sa armas.

Pinahindian ni Geng ang ganitong posibilidad. Sinabi niyang, ang puwersang nuklear ng Tsina ay nasa pinakamababang lebel batay sa pangangailangan ng tanggulang bansa, at maliit lamang ito kumpara sa laki ng hawak ng Amerika at Rusya. Hindi aniyang tatanggapin ng Tsina ang akusasyon mula sa anumang bansa sa isyu ng pagkontrol sa armas.

Binigyang-diin din ni Geng, na laging pinaninindigan ng Tsina ang komprehensibong pagbabawal at lubusang pagwasak ng mga sandatang nuklear. Dagdag niya, ang pinakamahalaga sa kasalukuyan ay pagtalima ng mga bansang may pinakamalaking arsenal na nuklear sa komong palagay ng komunidad ng daigdig, at ibayo pang pagbabawas ng mga sandatang nuklear, upang lumikha ng kondisyon para sa paglahok ng ibang mga bansa sa disarmamentong nuklear.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>