Isang mensahe ng pakikiramay ang ipinadala nitong Lunes, Mayo 6 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang counterpart na Ruso na si Vladimir Putin, kaugnay ng malalang aksidente ng pagkasunog ng eroplano.
Ani Xi, ikinalulungkot niyang malamang nasunog ang isang eroplanong pampasahero habang ito pangkagipitang lumalapag sa Sheremetyevo International Airport, na nauwi sa malaking kasuwalti at pagkawala ng ari-arian.
Saad ni Xi, sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino at kanyang sarili, ipinaaabot niya ang kanyang pakikiramay sa mga nasawi at pakikidalamhati sa kanilang mga pamilya.
Ipinadala rin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang katulad na mensahe kay Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.
Salin: Jade
Pulido: Mac