|
||||||||
|
||
Sa pinakahuling Camden Conference na ginanap sa Maine, United States na nakatutok sa paksang "Is This China's Century?", bumigkas ng keynote speech na pinamagatang "What China Will Be Like as a Great Power?"si Martin Jacques, senior fellow sa Cambridge University. Sa kanyang talumpati, hiniling ni Jacques sa mga bansang Kanluranin, lalo na sa Amerika, na baguhin ang pakikitungo at palalimin ang pagkaunawa sa Tsina.
Sa tingin ni Jacques, ang kakulangan ng mga bansang Kanluranin sa pagkaunawa sa Tsina, na tinatawag niya bilang "Achilles heel in the West" ay dahil naniniwala silang unibersal ang mga "Western value" at kung may iisang modernidad sa daigdig, ito ang modernidad na Kanluranin. Ani Jacques, hindi sustenable ang nasabing paradigm sapagkat hindi lamang ang Tsina, marami pang ibang mga umuunlad na bansa na may ibang ugat na historikal, pulitikal, at kultura. kumpara sa mga taga-Kanluran.
Ipinalalagay rin ni Jacques na sa kabila ng mga pagkakapareho, may apat na pundamental na pagkakaiba ang Tsina sa mga bansang Kanluranin.
Una, ang Tsina ay hindi lamang isang "nation-state", kundi pangunahin na isang "civilization-state." Paliwanag ni Jacques, bago itinatag ang Tsina bilang isang "nation-state," hene-henerasyon nang naipasa ang kultura at ugali ng mga Tsino na gaya ng pagpapahalaga sa harmonya ng estado, lipunan at kalikasan na ipinakikita sa "Confucian values," kasama ng pagkain at wikang Tsino.
Ikalawa, ipinakilala ni Jacques ang Tsina bilang isang bansang may "desentralization" ng pangangasiwa, sa halip na napaka-"centralized" na bansa. Ani Jacques, imposibleng patakbuhin mula sa Beijing ang Tsina, na malawak ang teritoryo at may halos 1.4 bilyong populasyon. Nabanggit din niya ang mahabang kasaysayang imperyal ng Tsina, batay sa tinagurian niyang "one civilization, many systems." Ang nasabing pilosopiya, ani Jacques, ay kasalukuyang ipinakikita sa "isang bansa, dalawang sistema" na nag-uugnay sa Chinese mainland at Hong Kong.
Ikatlo, sa kabila ng pagkakaiba sa sistemang Kanluranin, ang sistema ng Tsina ay nagtatamasa ng suporta at pagkalehitimo, bagay na ipinakikita sa Pew Global Attitudes surveys hinggil sa lebel ng kasiyahan ng mga mamamayang Tsino sa pangangasiwa ng bansa. Palagay ni Jacques, ang suporta at pagkalehitimo ay nababatay sa tatlong aspeto: una, ang bansang Tsina ay itinuturing bilang tagapag-alaga at sagisag ng lipunan; pangalawa, ang ideya ng pangangasiwa sa Tsina ay nanggagaling sa nosyon sa pamilya, kaya "family unit" ito na tumatakbo bilang "microcosm;" ikatlo, ang tradisyon ng "meritocracy." Kung titingnan sa lenteng ito, "labis na epektibo" ang pangangasiwang Tsino, dagdag pa ni Jacques.
Ikaapat, taliwas sa "externalization," ang universalism ng Tsina ay pangunahin na "stay-at-home universalism."Samantala, ang universalism ng mga bansang Kanluranin ay ang pag-iibayong dagat at paglibot sa mundo.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |