Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino at Hari ng Saudi Arabia, nag-usap sa telepono

(GMT+08:00) 2019-05-09 11:10:57       CRI

Miyerkules, Mayo 8, 2019, nag-usap sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia.

Tinukoy ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng komprehensibo't estratehikong partnership sa Saudi Arabia. Itinuturing aniya na mahalagang kooperatibong partner sa pagtatatag ng Belt and Road ang Saudi Arabia. Nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Saudi Arabian, na palakasin ang estratehikong sinerhiya ng Belt and Road Initiative at "Saudi Arabia's Vision 2030," at pasulungin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangang gaya ng enerhiya, dagdag ni Xi.

Sinabi naman ng Haring Saudi Arabian na kapuwa nagpupunyagi ang Tsina at kanyang bansa para sa pag-unlad ng sariling bansa at kapayapaa't katatagan ng daigdig. Nakahanda aniya siyang pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Tsina sa iba't ibang antas, at pasulungin ang kooperasyon ng Silangang Asya at Kanlurang Asya. Nakahanda ang Saudi Arabia na patuloy na gumawa ng ambag para sa pagpapasulong sa relasyong pangkaibiga't pangkooperasyon sa pagitan ng mga bansang Arabe at Islamiko at Tsina, aniya pa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>