Sa espesyal na pulong ng General Council ng World Trade Organization (WTO), na idinaos kahapon, Biyernes, ika-10 ng Mayo 2019, sa Geneva, Switzerland, sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations, na walang mananalo sa alitang pangkalakalan. Aniya, pinakamahalaga ang paglutas sa alitang pangkalakalan sa pamamagitan ng multilateral na diyalogo at kooperasyon.
Ipinahayag naman sa pulong ni Roberto Azevedo, Director-General ng WTO, na pinalalakas ng WTO ang multilateralismong pangkalakalan sa pamamagitan ng reporma sa sarili. Dagdag niya, ang mga nagkakaisang tuntunin sa kalakalang pandaigdig ay makakabuti sa lahat ng mga bansa.
Salin: Liu Kai