Ayon sa isang ulat na inilabas kamakailan ng United Nations Food and Agriculture Organization (UNFAO), sinabi nito na sa kasalukuyang taon, aabot sa mahigit 2.72 bilyong tolenada ang output ng butil sa buong daigdig. Ito anito ay mas malaki ng 2.7% kumpara sa taong nakalipas.
Ipinalalagay din ng ulat na lalaki naman ng 1.5% ang bolyum ng paggamit ng butil sa daigdig sa taong 2019. Bukod dito, magiging mas mabilis ang paglaki ng konsumo ng bigas, at lalakas ang pangangailangan ng mga coarse food grain.
Salin: Li Feng