Ipinahayag Mayo 13, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang paggalang sa pagkakaiba ng mga sibilisasyon ay mahalagang paunang kondisyon ng pangangalaga ng kapayapaan at harmonya ng daigdig, at ang pagsasagawa ng diyalogo ng sibilisasyon ay mahalagang garantiya ng mapayapang pakikipamuhayan ng iba't ibang bansa. Idaraos simula Mayo 15 sa Tsina ang Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC). Sa pamamagitan nito inaasahang maipapakita ang halina at kagandahan ng mga sibilisasyon ng Asya, mapapalalim ang pagpapalitan ng iba't ibang sibilisasyon, at mapapasulong ang kooperasyong pangkaibigan ng iba't ibang bansa.
Ipinahayag kamakailan ni Prokopis Pavlopoulos, Pangulo ng Greece na dadalo sa CDAC na mali ang pahayag na "clash of civilizations," ang kapayapaan ng daigdig ay batay sa pagpapalitan, pag-uugnayan at pag-uunawaan ng iba't ibang sibilisasyon. Pinapurihan ni Geng ang sinabi ni Pavlopoulos.
Salin:Lele