|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati sa carnival, sinabi ng pangulong Tsino na ang sining ay lalampas sa hanggahan ng iba't ibang nasyonalidad, titimo sa puso ng mga mamamayan, at mag-uugnay ng kani-kanilang kaisipan, para ipakita sa daigdig ang isang maluningning, masigla, mapayapa at sumusulong na Asya.
Umaasa aniya siyang makikipagtulungan sa isa't isa ang mga bansang Asyano, at magkakapit-bisig na lilikha ng mas magandang kinabukasan ng Asya, maging ng daigdig.
Kalahok sa nasabing carnival na may temang "Pagdiriwang ng Kabataan, Pangarap ng Asya" ang mahigit 30,000 kabataang lider ng Asya at namumukod na alagad ng sining sa daigdig. Nakita sa nasabing carnival ang mga kamangha-manghang palabas na pansining at high-tech stage effects.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |