Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Pagkakasundo ng Beijing," pinagtibay sa ICAIE

(GMT+08:00) 2019-05-19 14:32:15       CRI

Ipininid sa Beijing nitong Sabado, Mayo 18, 2019 ang International Conference on Artificial Intelligence & Education (ICAIE). Dumalo rito ang halos 500 kinatawan mula sa mahigit 100 bansa at 10 organisasyong pandaigdig para magkakasamang talakayin ang tungkol sa pag-unlad ng edukasyon sa mundo, sa hinaharap. Pinagtibay sa pulong ang dokumentong "Pagkakasundo ng Beijing."

Tinukoy ng dokumento na dapat balangkasin ng iba't-ibang bansa ang mga katugong patakaran para mapasulong ang sistematikong pagsasama-sama ng AI, edukasyon, pagtuturo, at pag-aaral. Dapat anitong pabilisin ang pagtatatag ng bukas na sistemang pang-edukasyon sa pamamagitan ng AI para magkaroon ang lahat ng mamamayan ng pantay, may kalidad, at angkop na pagkakataon sa edukasyon sa buong buhay.

Ipinahayag sa pulong ni Tian Xuejun, Pangalawang Ministro ng Edukasyon ng Tsina, ang kahandaan ng bansa na ibayo pang palakasin at palalimin ang pakikipagkooperasyon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) at mga kasaping bansa para maisakatuparan ang nasabing kasunduan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>