Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Estados Unidos, ang pinakamalaking tagalikha ng deficit sa daigdig

(GMT+08:00) 2019-05-21 12:15:06       CRI

Ang walang batayang pagbatikos ay paraang laging ginagamit ng Estados Unidos para bigyang-dagok ang mga kalaban, at napakadalas na maganap ang ganitong situwasyon sa relasyon nito sa Tsina.

Bago ang ika-11 round ng konsultasyong pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa mataas na antas, siniraan ng panig Amerikano ang Tsina at sinabing ito'y di-tumupad sa napagkasunduan. Sa katuwirang ito, pinataas sa 25% ang taripa sa mga iniluluwas na panindang Tsino sa Amerika na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares, na noon ay nasa 10%. Sa katunayan, ang esensya ng talastasan ay unti-unting pagkakaroon ng dalawang panig ng komong palagay at pagdating sa kasunduan, sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsasanggunian. Walang narating na kasunduan ang Tsina at Amerika, kaya walang batayan ang pagbatikos ng Amerika sa pag-urong ng paninindigan ng Tsina.

Sa katotohanan, pabagu-bago ang paninindigan ng panig Amerikano. Noong Mayo 19, 2018, nagpalabas ng magkasanib na pahayag ang Tsina at Amerika, kung saan nagkasundo ang kapuwa panig sa hindi paglulunsad ng trade war. Pero 10 araw ang nakaraan, tumalikod sa komong palagay ang Amerika, at nagpataw ng 25% karagdagang taripa sa iniluwas na panindang Tsino sa Amerika na nagkakahalaga ng 50 bilyong dolyares. Noong nagdaang Disyembre naman, nagkaisa ng palagay ang dalawang bansa tungkol sa halaga ng trade purchasing, pero walang tigil na pinataas ng panig Amerika ang halagang ito sa pagsasanggunian pagkatapos nito, higit sa lahat, muling nagbabala sa Tsina, sa pamamagitan ng taripa, bagay na malubhang nakaapekto sa proseso ng talastasan ng kapuwa panig.

sa kasalukuyan, nahaharap sa pabagu-bagong kalagayan ang daigdig, at sinasalubong ng sangkatauhan ang bagong round ng rebolusyong panteknolohiya at transpormasyong industriyal. Ang deficit sa pagsasaayos, pagtitiwala, pagpayapa at pagpapaunlad ay nagsisilbing komong hamong kinakaharap ng komunidad ng daigdig. Bilang pinakamalaking super power sa daigdig, hindi nagpunyagi ang Amerika para mapawi ang nasabing mga "deficit," sa halip, nagsilbi itong pinakamalaking tagalikha ng deficit.

Ipinapauna ng Amerika ang sariling interes sa mga kombensyong pandaigdig, at tumalikod sa mga kombensyon at organisasyong pandaigdig, ayon lamang sa sariling kagustuhan. Ang mga kilos na ito ay lubusang nakasira sa multilateral na sistema at alituntuning pandaigdig, at nagpasidhi ng situwasyon ng pandaigdig na pangangasiwa sa deficit.

Tulad ng ideya ng community with a shared future for mankind na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dapat magkasamang pangasiwaan ng iba't ibang bansa ang mga suliraning pandaigdig, at itakda ang mga alituntuning pandaigdig. Samantala, dapat magkasamang bahaginan ng iba't ibang bansa ang bunga ng pag-unlad, at ang kapalaran ng daigdig ay dapat nakasalalay sa komong kapasiyahan ng iba't ibang bansa. Lumang ideya na ang power politics. Ang kilos ng Amerika ay hindi lamang salungat sa galaw ng kasaysayan, daigdig at mithiin ng mga mamamayan, kundi nagsisilbing pinaka-di-matatag na elemento sa pag-unlad ng daigdig.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>