Ayon sa pinakahuling economic outlook na inilabas nitong Martes, Mayo 21 ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), ang kagipitang pangkalakalan at kahinaang pinansyal ay nagsisilbing banta sa paglaki ng pandaigdig na kabuhayan.
Ayon sa pagtaya ng OECD, aabot sa 3.2% ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig para sa taong ito. Samantala, aabot lamang sa 2.1% ang paglaki ng pandaigdig na kalakalan at magiging pinakamababang lebel nitong sampung taong nakalipas.
Sa may kinalamang preskon nang araw ring iyon, sinabi ni Angel Gurria, Pangkalahatang Kalihim ng OECD, na nakikinabang sa malayang kalakalan ang mga mamamayan sa iba't ibang sulok ng mundo. Ang pinaka-dapat gawin ngayon ay tiyakin ang patuloy na pagsuporta ng kalakalan sa inklusibong pag-unlad ng pandaigdig na kabuhayan, dagdag niya.
Salin: Jade
Pulido: Rhio