Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga bunga ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations, inilabas

(GMT+08:00) 2019-05-25 15:22:18       CRI
Inilabas kahapon, Biyernes, ika-24 ng Mayo 2019, ng panig Tsino ang mga bunga ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC) na ginanap kamakailan sa Beijing.

Narating sa pulong ang CDAC Beijing Consensus kung saan itinataguyod ng mga kalahok ang pagpapalakas ng iba't ibang sibilisasyon ng paggalang at pagkatuto sa isa't isa at pagsasagawa ng mas maraming komprehensibo at malalim na pagpapalitan at pagtutulungan.

Sinang-ayunan ng Tsina at mga bansang Asyano na isagawa ang mga proyektong pangkooperasyon sa aspekto ng pangangalaga sa mga pamanang kultural, pagsasalin ng mga akdang klasiko, magkakasamang paggawa ng mga pelikula at TV program, at iba pa. Samantala, nilagdaan ang mga bilateral at multilateral na dokumento hinggil sa pag-iisponsor sa mga batang dalubhasa, pagpapalakas ng kooperasyon ng mga think tank, at iba pa.

Inilabas din sa pulong ang ilang ulat, na kinabibilangan ng ulat hinggil sa mga papel ng Asya sa global governance, survey hinggil sa kaalaman sa mga sibilisasyong Asyano, ulat hinggil sa kooperasyong panturismo sa Asya, at iba pa.

Idinaos mula ika-15 hanggang ika-22 ng buwang ito sa Beijing ang Conference on Dialogue of Asian Civilizations. Lumahok sa pulong at mga may kinalamang aktibidad ang mahigit 2000 personahe mula sa 47 bansang Asyano at mga bansa sa labas ng rehiyong ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>