Ginawaran kahapon, Biyernes, ika-24 ng Mayo 2019, ng United Nations ng UN Peacekeeping Medal ang dalawang sundalong Tsino, bilang papuri sa kanilang ambag sa misyong pamayapa ng UN.
Ang naturang dalawang Tsino ay sina Colonel Zhang Qiman at Lieutenant Colonel Duanmu Donglin. Minsan silang naitalaga sa mga misyong pamayapa ng UN, at nagtatrabaho ngayon sa UN Department of Peace Operations (DPO).
Kasama nila, ginawaran din ng naturang medalya ang iba pang 28 tauhan sa DPO na galing sa 18 bansa.
Salin: Liu Kai