Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Vanuatu, pasusulungin ang komprehensibo at estratehikong partnership

(GMT+08:00) 2019-05-27 15:51:30       CRI
Nag-usap ngayong araw, Lunes, ika-27 ng Mayo 2019, sa Beijing, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Charlot Salwai ng Vanuatu.

Sinabi ni Li, na nakahanda ang Tsina, kasama ng Vanuatu, na ibayo pang pasulungin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa, at palalimin ang bilateral na kooperasyon sa imprastruktura, kalakalan, pangingisda, turismo, at iba pa. Ipinahayag din niya ang pagkatig sa pagpapatingkad ng mahalagang papel ng Vanuatu sa mga suliranin sa rehiyon ng Timog Pasipiko.

Ipinahayag naman ni Salwai ang kahandaan ng Vanuatu, kasama ng Tsina, na palalimin ang pagpapalagayan sa pagitan ng mga pamahalaan at mamamayan, at pasulungin ang bilateral na relasyon at relasyon ng Tsina at mga bansang isla sa Pasipiko.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>