|
||||||||
|
||
Ayon sa Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina nitong Lunes, Mayo 27, 2019, mula noong Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon, mabilis ang paglaki ng kita ng serbisyo ng software at teknolohiyang pang-impormasyon ng bansa. Sa kabuuan, lumilitaw ang tunguhin ng matatag at mabilis na pag-unlad sa sirkulong ito.
Mula noong Enero hanggang Abril, 2019, lumampas sa 2.05 trilyong Yuan ang software service income. Lumaki ito ng 14.8% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Kung pag-uusapan ang kabuuang halaga ng tubo, sa panahong iyon, naisakatuparan ng industriyang ito ang mahigit 250 bilyong Yuan na mas malaki ng 8.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |