Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino at Pangalawang PM Kambodyano, nagtagpo; bilateral na relasyon, isyu ng SCS, pinag-usapan

(GMT+08:00) 2019-05-31 20:45:19       CRI
Nakipagtagpo nitong Biyernes, ika-31 ng Mayo 2019, sa Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya na si Prak Sokhonn.

Ipinahayag ni Li ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Kambodya, na palakasin ang pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran, pasulungin ang kooperasyon sa mga pangunahing larangan, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng bilateral na relasyon. Umaasa rin aniya si Li, na palalalimin ng Tsina at Kambodya ang kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at magkasamang pasusulungin ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea, para pangalagaan ang matatag na kapaligirang kinakailangan para sa pag-unlad sa rehiyong ito.

Sinabi naman ni Prak Sokhonn, na nakahanda ang Kambodya, kasama ng Tsina, na palakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalimin ang koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa na maging mas maganda.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>