Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panig Amerikano, tatlong beses nagbago ng paninindigan sa China-US trade talks—white paper

(GMT+08:00) 2019-06-02 12:09:53       CRI

Sa white paper hinggil sa paninindigan ng Tsina sa pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika na inilabas Linggo, Hunyo 2, 2019 ng Tsina, isiniwalat nitong sapul nang simulan ang pagsasanggunian ng dalawang bansa hinggil sa kabuhaya't kalakalan noong Pebrero ng 2018, nagkaroon ng nagkakaisang palagay sa karamihan sa mga isyu, pero ilang beses na nagbago ang paninindigan ng Amerika, at paulit-ulit itong sumalungat sa komong palagay.

Anang white paper, noong Marso ng 2018, isang buwan lang pagkaraang simulan ang pagsasanggunian, isinumite ng pamahalaang Amerikano ang umano'y ulat ng Section 301 investigation sa Tsina, at ipinatalastas ang pagpapataw ng 25% karagdagang taripa sa mga inaangkat na paninda mula sa Tsina na nagkakahalaga ng 50 bilyong dolyares; noong Mayo ng 2019 naman, 10 araw makaraang magkasundo ang kapuwa panig sa hindi paglulunsad ng trade war, lumabag sa komong palagay ang pamahalaang Amerikano, at ipinasiyang patuloy na pasulungin ang plano sa pagpapataw ng karagdagang taripa; noong nagdaang buwan, di-responsableng binatikos ng Amerika ang pag-urong ng paninindigan ng Tsina, at pinataas sa 25% mula 10% ang taripa sa mga iniluluwas na panindang Tsino sa Amerika na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares. Ipinatalastas din nitong sisimulan ang prosedyur ng pagpapataw ng karagdagang taripa sa natitirang iniluluwas na panindang Tsino sa Amerika na nagkakahalaga ng halos 300 bilyong dolyares.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>