Ipinatalastas kahapon, Linggo, ika-2 ng Hunyo 2019, ng Institute of Electrical and Electronics Engineers (IEEE) na nakabase sa New York, Amerika, ang pag-aalis ng restriksyon sa Huawei at mga sangay nito para lumahok sa pag-eedit at peer review ng mga babasahin ng naturang instituto.
Ang nabanggit na restriksyon ay ginawa nauna rito ng IEEE, pagkaraang ilabas noong isang buwan ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang export control laban sa Huawei. Pero, ang restriksyong ito ay kinukuwestisyon ng sirkulong akademiko ng daigdig.
Sa pahayag na inilabas kahapon, sinabi ng IEEE, na pagkaraang kunin ang klaripikasyon ng Kagawaran ng Komersyo, ipinasiya nitong alisin ang naturang restriksyon.
Salin: Liu Kai