Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Sino-Ruso, nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan: dalubhasang Ruso

(GMT+08:00) 2019-06-03 12:07:36       CRI

Ipinahayag ni Boris Titov, Presidential Commissioner for Entrepreneurs' Rights at Tagapangulo ng Sino-Russian Committee for Friendship, Peace and Development, na ang relasyon ng Tsina't Rusya ay nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan, at walang hanggan ang pag-unlad nito sa hinaharap.

Winika ito ni Titov sa bisperas ng 2019 St. Petersburg International Economic Forum na gaganapin sa St. Petersburg, Rusya, mula Hunyo 6 hanggang Hunyo 8. Nakatakdang lumahok sa porum si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Noong 2018, lumampas sa 107 bilyong dolyares ang kalakalan ng Tsina't Rusya, na nakalikha ng bagong rekord. Kaugnay nito, sinabi ni Titov na naitakda ng dalawang bansa ang target na pagdoble ng bilateral na kalakalan, at naniniwala siyang maisasakatuparan ang target na ito sa susunod na ilang taon. Dagdag pa niya, sa gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi, ang serye ng mga bagong kasunduan ay inaasahang pipirmahan ng dalawang bansa.

Kinilala rin ni Titov ang pagtutulungan ng Tsina't Rusya sa proseso ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative. Salaysay niya, kabilang sa mga pangunahing kooperatibong proyekto ng dalawang bansa ang konstruksyon ng imprastruktura, pagtutulungang agrikultural, langis at natural gas, heavy-lift helicopter, wide-body aircraft, at iba pa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>