|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Lunes, Hunyo 3, 2019 ni Dmitry Peskov, Press Secretary ng Russian President na si Vladimir Putin, na mayroong napakahigpit na relasyong pangkooperasyon ang Rusya at Tsina.
Ani Peskov, kasalukuyang maalwang nagsasagawa ang Rusya at Tsina ng mga kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Hindi apektado ng pandaigdigang kalagayang pangkabuhayan ang halaga ng bilateral na kalakalang Sino-Ruso, at nananatiling mabilis ang tunguhin ng paglaki nito, aniya pa.
Dagdag pa niya, nagiging kaakit-akit ang mga proyektong magkakaangkop sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative at Eurasian Economic Union.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |