Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: relasyong Sino-Ruso, matibay na sumusulong sa pinakamagandang panahon sa kasaysayan

(GMT+08:00) 2019-06-05 15:42:33       CRI

Miyerkules, Hunyo 5, 2019, lumisan ng Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para magsagawa ng dalaw-pang-estado sa Rusya, at dumalo sa Ika-23 St. Petersburg International Economic Forum (SPIEF). Ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya. Paulit-ulit na ipinahayag ng kapuwa panig na nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ang bilateral na relasyon, at ang dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi sa Rusya sa ganitong mahalagang panahon ay makakapagpasulong sa paglikha ng relasyong Sino-Ruso ng bagong panahon na may mas mataas na antas at mas malaking pag-unlad.

Nitong nakalipas na 5 taon, mahigit 20 beses na nagtagpo ang mga lider ng Tsina at Rusya, at ang diplomasya ng mga lider ay nagsilbing isa sa mga pinakamalinaw na katangian ng mahusay at matatag na relasyon ng dalawang bansa.

Sa kasalukuyan, nahaharap sa malalim at masalimuot na pagbabago ang kalagayang pandaigdig, pero sa mula't mula pa'y iginagalang ng Tsina at Rusya ang sarili nilang landas ng pag-unlad, hindi nakikialam sa mga suliraning panloob ng isa't isa, at buong tatag na kumakatig ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahahalagang pagkabahala. Ito ang mahalagang dahilan ng matatag na pagsulong ng relasyong Sino-Ruso. Ginagawang pragmatikong bunga ng dalawang bansa ang bentaheng pulitikal, at binubuo ang komprehensibo't malalimang kayarian ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't ibang larangan.

Noong 2018, lampas sa 100 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng kapuwa panig. Ipinahayag minsan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na may mahalagang katuturan ang nasabing datos, at nagpapakita ito ng kalagayan ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at bunga ng pagtaas ng pagtitiwalaan.

Nitong Biyernes, Mayo 31, matagumpay na pinag-isa ang mga bahagi ng unang tulay ng lansangan sa hanggahan ng Tsina at Rusya.

Masagana ang ani ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Rusya sa kasalukuyang taon. Noong isang linggo, matagumpay na pinag-isa ang mga bahagi ng unang tulay ng lansangan sa hanggahan ng dalawang bansa. Bukod dito, nakatakda ring matapos ang konstruksyon ng unang tulay ng daambakal, at isasaoperasyon ang natural gas pipeline sa silangang linya. Marami rin ang tampok ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, hay-tek, e-commerce, agrikultura, paggagalugad ng Arctic, kooperasyong lokal at iba pa.

Sa bagong historical starting point, tiyak na matatamo ng komprehensibo't estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa ang mas masaganang bunga, ihahatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan, at idudulot ang bagong pag-asa sa pag-unlad ng daigdig.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>