Ibinigay ngayong araw, Huwebes, ika-6 ng Hunyo 2019, sa Beijing ng Ministry of Industry and Information Technology ng Tsina ang mga 5G commercial-use license sa unang pangkat ng 4 na kompanyang kinabibilangan ng China Telecom, China Mobile, China Unicom, at China Broadcasting Network.
Ipinahayag ng naturang ministri ang pag-asang gagalugarin ng 4 na kompanyang ito ang iba't ibang porma ng paggamit na komersyal ng 5th generation telecommunication technology, para magdulot ng bagong sigla sa pag-unlad ng digital economy ng Tsina.
Dagdag pa ng naturang ministri, patuloy na tatanggapin ng Tsina ang paglahok ng mga kompanyang dayuhan sa pamilihan ng 5G ng bansa, magkakasamang pagpapaunlad ng teknolohiyang ito, at pagtatamasa ng bungang dulot ng pag-unlad ng 5G ng Tsina.
Salin: Liu Kai