Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Magkasanib na kalutasang pandaigdig, isasagawa ng Tsina't Rusya

(GMT+08:00) 2019-06-06 08:54:11       CRI

Nagkasundo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na isasagawa ang mas maraming magkasanib na kalutasan sa mga suliraning pandaigdig.

Narating ng dalawang pangulo ang nasabing kasunduan sa kanilang pagtatagpo nitong Miyerkules ng hapon, Hunyo 5, local time sa Moscow.

Ani Xi, ngayong taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Rusya. Ito aniya ay hindi lamang muhon, kundi bagong simula rin ng bilateral na ugnayan. Diin ni Xi, walang hanggan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso at bubuti pa ito sa hinaharap. Nakahanda ani Xi ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya, para magdulot ng mas maraming kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa at magkaloob ng mas maraming kalutasang Sino-Ruso sa mga isyung pandaigdig.

Sinabi naman ni Putin na bunga ng ginagawang pagdalaw ni Xi, naiangat na sa pinakamataas na lebel ang relasyong Sino-Ruso at magdudulot ito ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Dumating nitong Miyerkules ng Rusya si Xi para magsagawa ng dalaw pang-estado at lumahok sa 2019 St. Petersburg International Economic Forum.

Silid sa Kremlin kung saan nagkaroon ng small-scale meeting sina Xi at Putin. [Photo: China Plus]

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>