Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi at Putin, nag-usap; Komprehensibo, estratehiko at koordinatong partnership ng Tsina't Rusya sa bagong panahon, pasusulungin

(GMT+08:00) 2019-06-06 09:50:34       CRI

Nag-usap Hunyo 5, 2019, sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Vladimir Putin, Pangulo ng Rusya sa Moscow. Lubos na pinahalagahan ng dalawang lider ang pag-unlad ng bilateral na relasyon nitong 70 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng kanilang mga bansa. Sumang-ayon silang patuloy na magpapaunlad ng komprehensibo, at estratehiko partnership ng koordinasyon ng Tsina't Rusya para sa bagong panahon, at magdudulot ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Rusya ay patuloy, matatag at malusog, at ito ay nasa pinakamagandang panahon. Aniya, matatag na kumakatig ang dalawang panig sa pangangalaga ng nukleong interes ng isa't isa, mahigpit ang pulitikal at estratehikong pagtitiwalaan; aktibong pinasusulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan; at aktibong nilalahukan ang mga suliraning pandaigdig at pangangasiwang pandaigdig, at nang sa gayo'y, mag titingkad ang konstruktibong papel sa kapayapaan, katatagan, katarungan at makatuwiran ng daigdig.

Ipinahayag ni Putin na ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina at ngayong taon din ay ika-70 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Rusya at Tsina. Aniya, nitong 70 taong nakalipas, umabot na ang relasyon ng dalawang bansa sa mataas na lebel, at mabisa ang pagpapalitan at kooperasyon sa iba't ibang larangan. Sinabi rin ni Putin na bunga ng ginagawang pagdalaw ni Xi, naiangat na sa pinakamataas na lebel ang relasyong Sino-Ruso, at dapat patuloy na palakasin ng dalawang bansa ang koordinasyon sa mga mahalagang suliraning panrehiyon at pandaigdig para harapin ang hamon ng unilateralismo at proteksyonismo.

Salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>