|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na isinapubliko Lunes, Hunyo 10, 2019 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina (GAC), noong unang limang buwang nakalipas ng kasalukuyang taon, umabot sa 12.1 trilyong Yuan ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 4.1% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Patuloy na nananatiling mainam ang tunguhin ng paglaki ng kalakalang panlabas.
Ayon sa datos, lumaki ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa mga pangunahing pamilihan nito tulad ng Unyong uropeo (EU), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at Hapon. Mas mataas sa pangkalahatang lebel ang bahagdan ng paglaki ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road." Ayon sa GAC, noong unang limang buwan ng taong ito, ang EU ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Tsina. May 1.9 trilyong Yuan ang kabuuang halaga ng kalakalang Sino-Europeo. Ang ASEAN naman ay ikalawang pinakamalaking trade partner ng Tsina sa panahong iyon, na may 1.63 trilyong Yuan na kabuuang halaga ng kalakalan.
Bukod dito, mabilis ding lumaki ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga pribadong bahay-kalakal ng Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |