Nagpadala Hunyo 10, 2019, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensaheng pambati kay Kassym-Jomart Tokayev para sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Kazakhstan.
Tinukoy ni Xi sa mensaheng ang Tsina at Kazakhstan ay hindi lamang mga kapitbansang may pagkakaibigan, pagtitiwalaan at katapatan kundi komprehensibo at estratehikong partner din. Sa kasalukuyan, ang relasyon ng dalawang bansa ay nasa mataas na lebel, mabunga ang kooperasyon ng Belt and Road Initiative, at may malawak na prospek. Pinahahalagahan ani Xi ang relasyon sa Kazakhstan, at nakahandang itatag ang mahigpit na ugnayan ng dalawang panig.
Salin:Lele