|
||||||||
|
||
Kinatagpo nitong Martes, Hunyo 11, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si David Malpass, Presidente ng World Bank (WB). Nagkasundo ang dalawang panig na palalimin ang kooperasyon.
Saad ni Li, bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, nakahanda ang Tsina na isabay ang pagpapaulad sa sarili, at isabalikat ang mga dapat gawing obligasyon at responsibilidad na pandaigdig. Diin ng premyer Tsino, bilang kalahok, tagapagtatag at tagapag-ambag ng kasalukuyang pandaigdig na sistemang pinansyal, palalalimin ng Tsina ang pakikipagtulungan sa World Bank para mapasulong ang kasaganaang pandaigdig. Inulit din ni Premyer Li ang masidhing naisin ng Tsina na palalimin ang pambansang reporma at ibayo pang magbukas sa labas para makalikha ng mainam na kapaligirang pangnegosyo.
Ipinahayag naman ni Malpass ang pananabik na palalimin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa lebel na bilateral at pandaigdig.
Ito ang unang biyahe ni Malpass sa Tsina sapul nang manungkulan siya bilang ika-13 presidente ng World Bank nitong Abril 9.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |