![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Dushanbe, Tajikistan — Nitong Sabado, Hunyo 15, 2019, dumalo at nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-5 Summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA) kung saan inilahad ang paninindigan at posisyon ng Tsina tungkol sa kung paanong haharapin ng iba't-ibang bansang Asyano ang komong hamon, itatatag ang Komunidad ng Komong Kapalaran ng Asya, at magkakaroon ng magandang kinabukasan. Ito ay nakatawag ng positibong papuri at mainit na reaksyon ng mga kalahok.
Bilang isa sa mga rehiyong may pinakamalaking kasiglahan at potensyal sa kasalukuyang daigdig, kinakaharap ng Asya ang mga komong hamong kinabibilangan ng di-sapat na pagtitiwalaang pulitikal, di-balanseng pag-unlad ng kabuhayan, namumukod na problema sa seguridad at pagsasaayos. Layon ng pagtatatag ng CICA na pahigpitin ang pagtitiwalaan at pagtutulungan ng iba't-ibang bansa at pangalagaan ang kaligtasan at katatagang panreiyon.
Sa kanyang talumpati, inihayag ni Pangulong Xi na kung nais itatag ang isang Asyang may paggagalangan, pagtitiwalaan, katiwasayan, katatagan, kaunlaran, kasaganaan, pagbubukas, pagiging inklusibo, at kooperasyon sa inobasyon, kinakailangan ang magkakasamang pagsisikap ng iba't-ibang panig. Dapat din aniyang puspusang lutasin ang mga problemang gaya ng pagtitiwalaan, kapayapaan, kaunlaran, pagsasaayos, at iba pang "deficit."
Sa harap ng "trust deficit," tinukoy ni Xi na ang paggagalangan at pagtitiwalaan ng isa't-isa ay dapat maging prinsipyong nakikipamuhayan ang iba't-ibang bansa. Dapat aniyang igalang ng iba't-ibang panig ang sistemang pulitikal at landas ng pag-unlad na sariling pinili ng iba't-ibang bansa.
Kaugnay ng "peace deficit," tinukoy ni Xi na kung nais maisakatuparan ang pangkalahatang seguridad sa mga bansang Asyano, dapat igiit ng iba't ibang panig ang diyalogo sa halip na komprontasyon, maging katuwang ng isa't isa sa halip na kaalyado, at maayos na harapin ang mga tradisyonal at di-tradisyonal na isyung pangkatiwasayan, lalung-lalo na buong tatag na bigyang-dagok ang lahat ng porma ng terorismo.
Tungkol naman sa "development deficit," ipinagdiinan ni Xi ang kanyang opinyon. Nanawagan siya sa iba't-ibang panig na dapat magkakasamang pasulungin ang liberalisasyon at pagsasaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan. Aniya, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng koneksyon ng "Belt and Road" Initiative at estratehiyang pangkaunlaran ng iba't-ibang bansa, pasusulungin ng Tsina ang komprehensibong konektibidad upang maisakatuparan ang pag-unlad ng kabuhayan ng iba't-ibang bansa sa mataas na kalidad.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |