Nakipag-usap ngayong araw, Lunes, ika-17 ng Hunyo 2019, sa Shenzhen, si Ren Zhengfei, tagapagtatag at CEO ng Huawei Technologies Co. Ltd., kina George Gilder, ekonomistang Amerikano; at Nicholas Negroponte, tagapagtatag ng Media Lab ng Massachusetts Institute of Technology ng Amerika. Ang kanilang paksa ay tungkol sa teknolohiya, pamilihan, at bahay-kalakal.
Sa pag-uusap, sinabi ni Ren, na ang 30-taong pag-unlad ng Huawei ay hindi dapat ihiwalay sa pagtutulungan at pagtulong ng mga maunlad na kompanya ng daigdig. Dagdag niya, sa pamamagitan lamang ng kooperasyon ng buong mundo, makakapagtamasa ang mas maraming tao ng bunga ng pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya.
Salin: Liu Kai